'MAS' Talaga si Daddy

"So do not worry, saying, 'What shall we eat?' or 'What shall we drink?' or 'What shall we wear?' For the pagans run after all these things, and your heavenly Father knows that you need them." Matthew 6:31 & 32
Eto ang kwento, nung Sunday, humiram ako kay Daddy ng 600 pesos, hindi na rew mahihintay yung sweldo sa akinse (15th), kailangan na raw bayaran yung school the next day sabi ng yaya ni Mims...kaya...humiram na muna ko kay daddy. At pinahiram naman nya ko...walang tanong tanong, walang 'anu-ano.'
Ako ang nag-promise, 'babayaran kita sa sweldo, dad.' And true to my word, binayaran ko sha nung sweldo.
Inabutan ko sha ng 700 pesos, sabi ko wag na nya ko suklian, parang 'thank you' ko na rin yon. Natuwa si daddy, sabi niya 'talaga nga?' so sagot ko 'opo dad, talaga nga.' Sabi ni dad 'thank you, pero sa iyo na lang yan.' Binabalik ko pero hindi nya tinanggap yung money, ayaw niya talga.
Akala ko naman ako na yung 'mas' mabait eh..hihihi. Pero si daddy hindi pumayag na 'mas' mabait ako sa kanya. AT natuwa pa sha na nagbigay sa akin.
Yung Tatay natin sa langit, ganon din. Minsan akala natin tayo ang nagbigay, pero hindi pwedeng hindi mapansin ng Tatay natin yung 'ibinigay' natin sa kanya. Siguro iisipin natin na may 'mawawala' sa atin kapag nagbigay tayo ng offering. Pero sa tingin ko hindi ganon eh, MAS mabait si Lord sa atin. At MAS masaya siyang nagbibigay..ng biyaya at ng pag-ibig. =)
- apol's blog
- Login or register to post comments
